It had been more than 3 months since I the last time I had posted here. Madami nang naganap. Pero madami pa ang magaganap. Soon, I'd be able to update this blog more often and make it 'earn' something for me. Why? Abangan na lang, haha.. :) I'd be saying goodbye to this very wonderful blog and I'd be embarking on a new one. Lahat ng mga blog na naging bunga ng tatlong taon kong pagkaligaw ay tuluyan ko nang ibabaon at ilalagak para sila'y matahimik na. At ang susunod? Panibagong buhay at sigla.
Masasabi ko rin na mas POSITIBO na ang pananaw ko ngayon sa buhay ko. Sa kabila ng sandamakmak na kapalpakan, bigla kong nakita ang napakadaming oportunidad para MULING BUMANGON na nagumpisa sa PAGKAMULAT. Wala na ako ngayon sa UP. Isa na akong UP evictee. Napatalsik in short. Pero mas maganda ata pakinggan ung UP evictee, hahaha.. :D
Anyway, hindi ito masaya siyempre para sa aking mga magulang. Sino nga naman ba ang magulang na matutuwa na ang kanilang anak eh napalayas sa pinakamagandang unibersidad sa balat ng Pilipinas?
May pagsisisi ba ako sa mga nangyari? Kaunti. Pero mas nakahigit dito ang kakaibang pagnanasa ko na muling magumpisa - na matagal ko nang hinihiling sa Kanya. Ngayong may pangilanpung pagkakatao na ako upang magsimulang muli, hindi ko na ito sasayangin.
Nasayang ba ang mga taong inilagi ko sa UP? Hindi. Dahil ang mga nangyari sa tatlong taon na iyun ang nagturo sa akin ng napakadaming leksyon na hindi ko kailanman matutunan sa loob ng silid-aralan. May mga pananaw ako na nabago. May mga pananaw na nadagdag. May mga pananaw na nadagdagan. Ang lahat ng ito tinatanggap ko ngayon ng buong-buo kahit laitin pa ako ng mga tao.
Dahil wala akong pakelam sa iniisip ng iba, nabubuhay ako hindi para sa kanila. Nabubuhay ako para sa aking pamilya, sa bayang nais kong paglingkuran at sa Diyos na nagbibigay ng walang humpay na biyaya at pagpapala.
Hindi na rin mahalaga kung nagtapos ba ako sa de-kalibreng pamantasan. Ang mahalaga ay kung saan ba ako nanggaling at kung ano ang mga pinagdaanan ko para makarating sa nais kong paroonan.
Dahil rin sa 'pagkakasibak' ko sa nasabing pamantasan, naisip ko na kung hindi ka talaga masaya sa lugar na kinasasadlakan mo eh bakit ka ba magpupumilit na manatili pa dito? Kahit na parang pasaporte na ang diploma mo sa lahat ng kumpanya sa Pilipinas at buong mundo.
Matagal ko na rin naman sinasabi sa ilan at pamilya ko na ayaw ko na noon pa man sa UP. Hindi dahil sa ayaw ko sa institusyon na iyon kundi nararamdaman ko at nakikita ko na mukhang hindi ako magiging masaya dito. Inakala ko na kapag nagtagal pa ako dito magiging maayos din ang lahat. Pero hindi pala. Mas lalo lang lumala at sumama. At nung araw na kinuha ko na ang ilang dokumento para lumipat sa ibang unibersidad, naramdaman ko na para akong bagong laya sa piitan na pinasok ko. Ewan. Ganun ang pakiramdam ko.
Sa ngayon ay nasa CEU na ako. Inaamin ko na may mga pagkakataong parang hinahanap ko iyung meron sa UP na wala dito. Pero dito nararamdaman ko na magiging iba na ang takbo ng buhay ko. May ilang mga dating magagandang gawi ang bumabalik. May ilan din na bagong tuklas na talento ang aking nakita dito.
Tama pala ang isang pananaw na hindi lahat ng halaman ay nabubuhay lamang sa mataba na lupa; iyung punong-puno ng sustansya at nadidiligan araw-araw. May ilan din naman na nabubuhay kahit sa mabato at tuyo na lupa.
Iyun lamang. Isa ito sa mga huling post ko sa blog na ito. Bago ang tuluyang paglisan.
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.Taken from Flickr.com
Let this CHRISTMAS be an ENLIGHTENING REVOLUTION against all forms of EVIL! MERRY CHRISTMAS and a PROSPEROUS NEW YEAR to ALL!
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.Ang pagwawakas ng dalawang taong paghihintay sa loob ng siyam na araw. Ibinigay niya sandali, para ibigay sa iba. At ngayon, malapit nang magwakas ang lahat.
Nobena
ni J.D. Lim
nine days
two years
it started as something exciting
something to look forward to
nine days of foggy mornings
nine days of bibingka
nine days of sacrifice
nine days of prayer
it was on that second time
things were different
intentions have changed
it was meant to open up
clear my soul
repelenish my source
reconnect with Him
and make two ultimate petitions:
is it right?
can I finally have her?
I don't know if He
answered the first
but it turned out to be
the right thing to do
join them
but after a year
I left
and now on my own
brand of their cause
the second one
came two years later
He gave too much
He really listens
and answers more than you've asked
at the rightn time
for He gave her to me
on the most trying times
the times I'm blinded by grief, anger, hopelessness
she's my light
she's my life
but now she's off to someone else
two years came
and ended too soon
here I am again
hoping to complete nine days
say my wishes to Him
entrust to Him everything
and wait for two more years
maybe He'll give me her again
or maybe someone else
no matter what or who it may be
I'd still be waiting
for that day to come
but for now
the two year wait
is over.
and all is over
after nine days.
Parokya ni San Ildefonso, Guiguinto, Bulacan
December 16, 2008 2:53 P.M.
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.Ilang beses man bumagsak, babangon at babangon pa din ako. Nauwi man minsan sa muntikang pagsuko, hindi ito aabot sa ganoong punto. Dahil sa bawat nabubugbog, nagsasawa din kakasuntok ang kaniyang kalaban.
Bugbog - Sarado
(J.D. Lim)
panalo na naman siya
lahat ay nagdiriwang
pansamantalang tumigil
takbo ng buhay ng tao
nawaglit sa isip ang sandamakmak na problema
nagbigyang dignidad ang sira nang pagkatao ng mga Pilipino
kita natin kung paano siya binugbog
binanatan ni David si Goliath
at sa bandang huli
sumuko ang kalaban
nakikisimpatya ako sa kanya
'di dahil ayaw ko sa isa
kundi dahil may pagkakapareho kami
binubugbog ng mga pagkakamali
sinasapak ng tadhana
ngunit isa ang pagkakaiba namin
kahit pumikit na ang mata ko sa sobrang maga
kahit dumugo na ang nguso ko sa dami ng suntok
at kahit puro pasa na ang aking braso
'di ako susuko
pababayaan ko silang banatan ako
hahawak nalang ako sa lubid para 'di tumumba
yayakap sa kalaban para 'di niya ako masuntok
dahil magsasawa din sila
matatapos din ang mga round
at ang Lumikha ng lahat ang huhusga
kung sino ang naging tunay na kalugo-lugod sa kanya
Sa aking trono, Brgy. Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
December 7, 2008 9:40 P.M.
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.
The Overinflated Star
(J.D. Lim)
they lit up our skies
give life to a dull night
one is so close to us
makes us see all things
clear during the day
breathes in energy
to make all things work
seems to have never ending power
but it will all soon end
and with it we’ll end
it may be our friend now
saving us from freezing to death
giving hope to each day
letting us see the world’s beauty
live happy and in harmony
but not for long
tomorrow, it’ll wipe us out
become one big red giant ball of fire
it would consume all life on earth
robbing us everything we have
leaving no one behind
we all thought that it would last forever
but it wasn’t destined to be that way
and it will never be
so beware
for overinflated stars
wouldn’t just appear on space
it might be at your side
promising everything
giving you happiness
bringing in light to your life
till that day comes
after you gave your all
it will leave you nothing
bastardized
disgraced
betrayed
for you thought all along that it would last forever
it will never be
for all things will ultimately come to its end
Sa aking himlayan, Brgy. Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
December 6, 2008 9:29 P.M.
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.Some Rights Reserved 2008
Frustrated Writer by Jose Dennio P. Lim Jr. is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Based on a work at manunulat-ako.blogspot.com.
Permissions beyond the scope of this license may be available at http://manunulat-ako.blogspot.com/2008/08/new-disclosure-policy.html.