Your Ad Here

About Me


Your Ad Here

Who am I now? An 18 year old frustrated and lost teenage soul finding his way out of the big mess he created. Mukhang masaya pero hindi pala. Born on the 10th of March 1990 at the Chinese General Hospital in Manila. 100% Pinoy sa kabila ng kanyang medyo singkit na mga mata. Kasalukuyang nagtatago sa isang liblib na lugar sa 'di kalayuang lugar sa Kalakhang Maynila. Kasalukuyan ding nag-aaral (daw) sa isang kilalang pamantasan sa bansa. Walang kurso sa ngayon at patuloy pa din siyang naghahanap. Naghahanap din siya ng ilang bagay sa buhay. At iyung isa ay malapit na niyang makuha.

Mula siya sa isang pamilyang kumakain ng tatlong beses isang araw at may ilang gamit gaya ng TV, ref, bentilador, radyo at celfone. In other words, mula isang matatawag na 'middle-class' na pamilya ngunit naglalaro sa pagitan ng pagiging 'middle class' at mahirap.

Nakatira siya sa isang maliit na komunidad na madalas nang nalulubog sa baha tuwing tag-ulan. (Kung nais mo makita ang aming komunidad puntahan mo ang LINK na ito.) Ang maliit na komunidad na ito ay matatagpuan sa isang bayan sa Bulacan, na hindi alam ng lahat na may ganoon pala. Ito po ang Bayan ng Bulakan: pinagmulan nila Gregorio at Marcelo del Pilar at ni dating Senador Soc Rodrigo. Ang maliit na komunidad naman daw namin ay sinasabing lugar kung saan ipinanganak si Padre Mariano Pilapil na gumawa ng isang bersyon ng Pasyong Mahal.

Hilig niya ang magbigay ng opinyon sa mga bagay-bagay sa mundo ng pulitika man o showbiz. Mahilig din siya magbigay ng mga payo sa buhay; kahit pa siya mismo ay hindi masunod ang mga ipinapayo niya.

Ito na ang kanyang ika-apat na muling pagsilang sa blogosphere. Nauna na rito ang tatlo niyang blogs na pumanaw na ngunit nariyan pa rin at maaari mo na makita una dito, ikalawa dito at ang huli dito. Hindi pa kasama diyan ang mga ilan pang blog na minsan niyan naisip sa ikalawang muling pagsilang.

Paborito niya ang magbasa ng mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Hilig din niya ang ilang fiction books na gawa nina Sidney Sheldon at F. Sionil Jose. Kagaya ng karamihan ng mga Pilipino, isa na rin sa mga Bobong Pinoy. Nabasa na niya ang lima sa kanyang mga libro. Paborito niya sa mga ito ang "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" at ang "Stainless Longganisa." Kung bakit? Wag mo nalang tanungin.

At gaya nga ng sinasabi ng titulo ng blog ko: Frustrated Writer. Isa akong frustrated na writer. At kung ano ang Tagalog /Filipino na salita na katumbas ng frustrated, aba'y hanapin mo na lang. Sa pamamagitan (daw) ng blog na ito, nag-iilusyon siya na bago siya pumatak sa ika-20 taong gulang, mailalabas na niya ang kanyang kauna-unahang libro na mapupuno ng kanyang mga basura na ipipilit niyang ipakain sa mga magbabasa (at siyempre sa bibili nito.)

Samantala, habang hindi pa natutupad ang ilusyon na 'yon. Pagtiyagaan niyo munang basahin ang mga ka-weirdohan at kabalawin ng batang ito. At sa mga matatamaan, pasensya na. Sa mga darating pang mga araw, may mga ilang lumang blog ako na bubuhayin na nakatalaga sa mga espesyal na paksa. Upang masulyapan kung ano ang isa sa mga ito, pumunta sa LINK na ito.

Ipagpapatuloy ko din ang mga ilang nabitin na serye sa dati kong blog; lalo na ang tungkol sa mga pulang tao diyan. Gaya nga ng sinabi ko, hindi pa ako tapos sa inyo. Nanahimik man ako ng ilang buwan. Hindi ibig sabihin tumigil na ako sa paghahanap at pagsusulat. Iyun lang, basta kung gusto niyo ko awayin (gaya ng ginawa ng isang 'fan' ko diyan), sige lang GO! Kahit pa murahin at balahurain mo ang pagkatao ko. Ang mahalaga, nakita natin ngayon kung sino ang alang modo at magandang 'breeding' sa atin dahil hindi ka marunong tumanggap ng kritisismo.

At nawa daw sa pamamagitan ng blog na ito, magsisimula na ang na-delayed na paglalakbay ng isang musmos na nagngangalang Dennio.

Kung nais niyo akong maka-ugnayan, magemail lamang sa josedenniolim@gmail.com.


 Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

1 (mga) komento:

Sunckie ayon kay ...

Nice blog you've got kabayan!
Keep it up!

----
PS, I suggest that you register your blog to blogspine.com and also include your blogroll list in your account. This is a great blogroll tracker. :)

cheers!

Some Rights Reserved 2008

Copyright © 2008 - Frustrated Writer - is proudly powered by Blogger
Smashing Magazine - Design Disease - Blog and Web - Dilectio Blogger Template