Your Ad Here

Tag: Six Things About Me

Your Ad Here

Isang tag ito mula kay Ate Marlene ng Binibining Alindogan. Ngaun pa lang ako na-tag sa buong buhay ko dito sa pagbablog kaya madaming tenkyu Binibining Alindogan. :D

Eto na ang isang pang pagkakataon para may mapulot na kaalaman ang mga potential haters ko para siraan ako, hahaha.. :D

---------

1. Link to the person who tagged you (see above).

2. Post the rules on your blog (this is what you are now reading)

3. Write 6 random things about yourself (see below).

4. Tag 6 people at the end of your post and link to them (This is only a game)

5. Let each person know they have been tagged and leave a comment on their blog

6. Let the tagger know when your entry is up.

--------

Anim na Bagay Tungkol sa Akin

1. Sabi ng mga taong kilala ko pero hindi pa nakakakita sa akin, meaning mga kapwa blogger o mga ilang friends sa Friendster, cute daw ako. Sa mga nagsabi, Wala nang bawian yan. Hehe.. :D

2. Matalino daw ako ayon sa mga tao na nakakakilala din sa akin. Mukha pa lang daw eh genius na, pero mali sila dun, mukha lang pero hindi talaga.

3. Kung lahat ng mga kabataan ngayon ay may nakasaksak na earphone at nakikinig sa MP3 o MP4 player at iPOD nila, ako naman eh adik sa pakikinig sa AM radio mula pa noong Grade 4 ako. Mapa-drama pa yan, counseling, tsismisan, balita, komentaryo, lahat gusto ko basta AM radio. At siyempre nakikinig ako sa nangunguna noon pa man, DZMM Radyo Patrol Sais Trenta. Una sa Balita. Una sa Public Service. Ayan me plugging pa, hehehe.. Mula sa programa ng replay ng Bandila sa alas-dose ng madaling araw hanggang kay Dr. Love aka Jun Banaag, at hanggang sa pagsasign off nila sa Linggo ng gabi, lahat yan pinapakinggan ko kahit tulog, hehe..

4. Nakakatuwa na dalawang beses sa buhay ko eh napagkamalan ako ng mga Koreano dito sa UP na Koreano ako. At least mukha pala akong tao.

5. Mahilig ako sa pagbabasa ng libro o panunuod ng mga pelikula na may historical content lalo na ang Philippine history. At lalo na kdin ang pulitika, minsan na ko sumubok sa eleksyon (SK) dati pero talo ako. At siyempre, tuloy pa din ang pagiging ambisyoso ko na tumakbo sa susunod na barangay elections.

6. Ako ang taong hindi mapili sa pagkain. Kahit ano pa yan basta may lasa at walang lason, kakainin ko. Lalo na kung libre. At kung iimbitahan niyo ko sa handaan, sulit ang ibabayad ninyo sa catering, hehe.. :D

Ngayon ipupukol ko ito sa kanila...

Ate Shelo of Mi Mundo del Amor

Kuya Alex ng ALEX iS WiRED

Ate Cams ng Memoirs of A Med Student

Kuya Dennis ng The Menace

The Kat's Corner

The Yatot Chronicles

Bow.. :D


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

1 (mga) komento:

alex ayon kay ...

salamat sa Tag Bro! :P gawin ko 'to when I get home.. Ingatz! Aral ng mabuti.. hehehe

Some Rights Reserved 2008

Copyright © 2008 - Frustrated Writer - is proudly powered by Blogger
Smashing Magazine - Design Disease - Blog and Web - Dilectio Blogger Template