Your Ad Here

White Nights ni J.D. Lim

Your Ad Here

White Nights
(J.D. Lim)

tumingala ka't silayan ang kalangitan
tila ayaw patalo ng liwanag sa dilim
tapo0s na ang araw
pero 'di nagpapagapi sa gabi

white nights daw ito
'di tuluyang paglubog ng araw
'di tuluyang nilalamon ng dilim
nag-aagaw buhay ang liwanag
malamlam na pag-asa sa bangis ng gabi

pero bakit?
'di ka ba napapagal?
tama na
pabayaan nang maghari ang dilim
nariyan ang luna
ang kanyang liwanag
ang papawi sa bagsik ng dilim

'wag kang mag-alala
bukas ay darating din
matatapos ang dilim
magwawakas ang gabi
at ikaw liwanag
maghaharing muli

itigil mo na ito
pabayaan ang gabi
araw ika'y humimlay na
may bukas na naghihintay

Sa aking himlayan, Brgy. Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
Nobyembre 29, 2008 05:45:08 P.M.


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

0 (mga) komento:

Some Rights Reserved 2008

Copyright © 2008 - Frustrated Writer - is proudly powered by Blogger
Smashing Magazine - Design Disease - Blog and Web - Dilectio Blogger Template