Your Ad Here

One of My Final Posts

Your Ad Here

It had been more than 3 months since I the last time I had posted here. Madami nang naganap. Pero madami pa ang magaganap. Soon, I'd be able to update this blog more often and make it 'earn' something for me. Why? Abangan na lang, haha.. :) I'd be saying goodbye to this very wonderful blog and I'd be embarking on a new one. Lahat ng mga blog na naging bunga ng tatlong taon kong pagkaligaw ay tuluyan ko nang ibabaon at ilalagak para sila'y matahimik na. At ang susunod? Panibagong buhay at sigla.

Masasabi ko rin na mas POSITIBO na ang pananaw ko ngayon sa buhay ko. Sa kabila ng sandamakmak na kapalpakan, bigla kong nakita ang napakadaming oportunidad para MULING BUMANGON na nagumpisa sa PAGKAMULAT. Wala na ako ngayon sa UP. Isa na akong UP evictee. Napatalsik in short. Pero mas maganda ata pakinggan ung UP evictee, hahaha.. :D

Anyway, hindi ito masaya siyempre para sa aking mga magulang. Sino nga naman ba ang magulang na matutuwa na ang kanilang anak eh napalayas sa pinakamagandang unibersidad sa balat ng Pilipinas?

May pagsisisi ba ako sa mga nangyari? Kaunti. Pero mas nakahigit dito ang kakaibang pagnanasa ko na muling magumpisa - na matagal ko nang hinihiling sa Kanya. Ngayong may pangilanpung pagkakatao na ako upang magsimulang muli, hindi ko na ito sasayangin.

Nasayang ba ang mga taong inilagi ko sa UP? Hindi. Dahil ang mga nangyari sa tatlong taon na iyun ang nagturo sa akin ng napakadaming leksyon na hindi ko kailanman matutunan sa loob ng silid-aralan. May mga pananaw ako na nabago. May mga pananaw na nadagdag. May mga pananaw na nadagdagan. Ang lahat ng ito tinatanggap ko ngayon ng buong-buo kahit laitin pa ako ng mga tao.

Dahil wala akong pakelam sa iniisip ng iba, nabubuhay ako hindi para sa kanila. Nabubuhay ako para sa aking pamilya, sa bayang nais kong paglingkuran at sa Diyos na nagbibigay ng walang humpay na biyaya at pagpapala.

Hindi na rin mahalaga kung nagtapos ba ako sa de-kalibreng pamantasan. Ang mahalaga ay kung saan ba ako nanggaling at kung ano ang mga pinagdaanan ko para makarating sa nais kong paroonan.

Dahil rin sa 'pagkakasibak' ko sa nasabing pamantasan, naisip ko na kung hindi ka talaga masaya sa lugar na kinasasadlakan mo eh bakit ka ba magpupumilit na manatili pa dito? Kahit na parang pasaporte na ang diploma mo sa lahat ng kumpanya sa Pilipinas at buong mundo.

Matagal ko na rin naman sinasabi sa ilan at pamilya ko na ayaw ko na noon pa man sa UP. Hindi dahil sa ayaw ko sa institusyon na iyon kundi nararamdaman ko at nakikita ko na mukhang hindi ako magiging masaya dito. Inakala ko na kapag nagtagal pa ako dito magiging maayos din ang lahat. Pero hindi pala. Mas lalo lang lumala at sumama. At nung araw na kinuha ko na ang ilang dokumento para lumipat sa ibang unibersidad, naramdaman ko na para akong bagong laya sa piitan na pinasok ko. Ewan. Ganun ang pakiramdam ko.

Sa ngayon ay nasa CEU na ako. Inaamin ko na may mga pagkakataong parang hinahanap ko iyung meron sa UP na wala dito. Pero dito nararamdaman ko na magiging iba na ang takbo ng buhay ko. May ilang mga dating magagandang gawi ang bumabalik. May ilan din na bagong tuklas na talento ang aking nakita dito.

Tama pala ang isang pananaw na hindi lahat ng halaman ay nabubuhay lamang sa mataba na lupa; iyung punong-puno ng sustansya at nadidiligan araw-araw. May ilan din naman na nabubuhay kahit sa mabato at tuyo na lupa.

Iyun lamang. Isa ito sa mga huling post ko sa blog na ito. Bago ang tuluyang paglisan.


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

2 (mga) komento:

apeiron ayon kay ...

in fairness dennio, medyo slightly ay napaiyak ako sa post na ito, at naiintindihan kita dahil minsan gusto ko na ring sumuko pero tama ka, hindi naman lahat ng halaman nabubuhay sa matabang lupa,,,good luck sa buhay dennio! alam kong kakayanin mo 'yan

ChopsueyRice ayon kay ...

What's the URL of your new blog? Anyways here's my new blog http://chopsueyrice.blogspot.com/

Mabuhay mga Filipino bloggers!

Some Rights Reserved 2008

Copyright © 2008 - Frustrated Writer - is proudly powered by Blogger
Smashing Magazine - Design Disease - Blog and Web - Dilectio Blogger Template