Your Ad Here

Bugbog Sarado ni J.D. Lim

Your Ad Here

Ilang beses man bumagsak, babangon at babangon pa din ako. Nauwi man minsan sa muntikang pagsuko, hindi ito aabot sa ganoong punto. Dahil sa bawat nabubugbog, nagsasawa din kakasuntok ang kaniyang kalaban.

Bugbog - Sarado
(J.D. Lim)


panalo na naman siya
lahat ay nagdiriwang
pansamantalang tumigil
takbo ng buhay ng tao
nawaglit sa isip ang sandamakmak na problema
nagbigyang dignidad ang sira nang pagkatao ng mga Pilipino

kita natin kung paano siya binugbog
binanatan ni David si Goliath
at sa bandang huli
sumuko ang kalaban

nakikisimpatya ako sa kanya
'di dahil ayaw ko sa isa
kundi dahil may pagkakapareho kami
binubugbog ng mga pagkakamali
sinasapak ng tadhana
ngunit isa ang pagkakaiba namin

kahit pumikit na ang mata ko sa sobrang maga
kahit dumugo na ang nguso ko sa dami ng suntok
at kahit puro pasa na ang aking braso
'di ako susuko

pababayaan ko silang banatan ako
hahawak nalang ako sa lubid para 'di tumumba
yayakap sa kalaban para 'di niya ako masuntok
dahil magsasawa din sila
matatapos din ang mga round
at ang Lumikha ng lahat ang huhusga
kung sino ang naging tunay na kalugo-lugod sa kanya


Sa aking trono, Brgy. Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
December 7, 2008 9:40 P.M.


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Related Posts by Categories



Widget by Hoctro | Jack Book

0 (mga) komento:

Some Rights Reserved 2008

Copyright © 2008 - Frustrated Writer - is proudly powered by Blogger
Smashing Magazine - Design Disease - Blog and Web - Dilectio Blogger Template