Tala
(J.D. Lim)
nakalatag sa langit
bilyong batong maningning
kumukutikutitap
tila ‘di nauubos ang liwanag
nagbibigay ganda
nagbibigay sigla
sa lagim at poot ng gabi
ngunit isang tala ang bukod tangi
isang tala lang ang nakapukaw ng damdamin
o tala ng gabi
sana’y abot tanaw lagi
at sa muling paglamon ng ng dilim
ika’y abot kamay na rin
lagi kitang hihintayin
tatanawin kahit sa kulimlim na gabi
pagka’t ikaw lang ang nais
sa bilyong nakadungaw sa langit
ikaw lang at wala nang iba.
Sa ilalim ng mga tala, Barangay Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
11:39 PM November 29, 2008
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento