How can I write all of this poems everyday? You just need to open your eyes. Observe everything that you would see. Feel its presence and be inspired. Then those poetic words would never be that far from you. Hindi naman ako isang makata. Baguhan lang ako. Wala pang maipagmamalaki. At hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa Kanya, na lumikha ng lahat at sa kanya na nilikha Niya para bigyang saysay ang aking buhay. Narito ang ika-pitong tula na nabuo habang aking natanaw ang tatlong tao na naka-angkas sa iisang motor.. Muli para pa din ito sa kanya.
Angkas
(J.D. Lim)
nakiangkas ka na ba
so motor ng iba?
sa dyip?
sa traysikel?
o bisikleta?
minsan
kahit gaano kadami
kahit puno na
aangkas ka pa din
sa motor
sa dyip
sa traysikel
sa bisikleta
hangga't magkakasya
kahit singit lang
ang mahalaga
makarating sa paroroonan
pero sa lahat ng pag-angkas
pinakamalungkot ang pagbaba
ang pag-alis..
lalo't kasama mo
ang taong nais mo
ang taong gusto mo
ang taong mahal mo
gustuhin mong magtagal
hindi na maaari
kailangang bumaba
dahil may ibang aangkas
may ibang sasama sa kanya
at 'di kayo pareho ng destinasyon
'di mo hawak ang kanyang buhay
'di sa'yo ang puso niya
aasa ka nalang
sa muling pag-angkas
sabay kayo bababa
iisa ang pupuntahan
iisa ang mga pangarap
iisa ang puso't isip
at magsasama habambuhay..
Brgy. Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
Disyembre 1, 2008 | 11:45 P.M.
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento