Isang kaunting paglihis sa mga naging tema ng aking mga naunang tula. Narito na ang ika-walong tula ni J.D. Lim. Bilang pang-alala sa nakaraang mapait at madilim na pitong taon ng aking buhay.
Rekwerdo ng Nakaraan
(Seven Years in the Making)
ni J.D. Lim
pitong taong buhay sa kadiliman
pitong taong bulag sa katotohanan
pitong taong pagpapanday sa katauhan
tapos na ba?
isa na ba itong nakaraan?
lumipas na mga taon
nasayang na panahon
bawat pintig ng puso
bawat patak ng pawis
bawat lakas na inalay
nasayang lang ba?
nawalang kabuluhan ba?
sa 'di nauubos na pagkabigo
sa paulit-ulit na pagluha
sa 'di pagkatuto sa mga mali
lahat ba'y marapat lang kalimutan?
sa pag-uumpisa muli
sa muling paglalakbay
mababalewala na ba lahat?
hindi. hindi.
pagkat 'di nagtapos sa pitong taon ang lahat
'di magwawakas ang mga pagkabigo
'di hihinto ang oras
'di titigil ang buhay
bawat pighati, lungkot at pagkabigo
nag-iwan ng mga marka
nag-iwan ng mga sugat
ito'y dadalhin sa muling paglalakbay
babaunin sa pagsisimulang muli
at magwawakas lang ito
sa pagabot ng mailap na pangarap
sa pagkamit ng nararapat na tagumpay
para sa sarili
para sa pamilya
para sa bayan
para sa Lumikha ng lahat
at ang nakaraan
isa na lamang rekwerdo
bahagi ng aking mapait na kasaysayan
Barangay Sta. Ines, Bulakan, Bulakan
December 2, 2008 11:38 P.M.
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento