Your Ad Here

Ang Wakas (Daw) ni J.D. Lim

Your Ad Here

Ang ika-siyam sa serye ng aking mga tula. Magtatapos na ba dito ang lahat? Marahil.. hindi. 'Di magwawakas ang lahat sa mga tula. Dahil kulang pa ang mga salita upang isigaw ang aking pagmamahal sa kanya.

Ang Wakas (Daw)
ni J.D. Lim

lahat ng inumpisahan
lahat ng nasimulan
may wakas

kahit gaano kasaya
kahit gaano kalungkot
ito'y pansamantala lang
darating din ang katapusan

lahat ng paghihirap
lahat ng pasakit
lahat ng pagdurusa
mawawala't titigil din
wala ka nang mararamdaman
manhid ka na sa sakit

ngunit 'di yata't mahirap wakasan
isang pag-ibig na tapat
isang pag-ibig na ngayon lang natagpuan
isang pag-ibig na 'di na muling makikita

kaya ko ba?
tatapusin ko na ba?

hindi. hindi.

hangga't 'di napipigtas ang hiblang]
nagdurugtong ng buhay at pagpanaw
hangga't 'di nawawalan ng kinang
ang mga tala sa langit
hangga't 'di natutupok ang alab
ng aking pagmamahal
'di ako bibitaw
'di ako susuko
hanggang huli
hanggang kamatayan

'di magwawakas ang lahat sa pagkabigo
'di magwawakas sa isang tula
pagkat nagsisimula pa lang ang lahat

Barangay Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
Disyembre 3, 2008 9:36 P.M.


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Read more on this article...

Rekwerdo ng Nakaraan (J.D. Lim)

Your Ad Here

Isang kaunting paglihis sa mga naging tema ng aking mga naunang tula. Narito na ang ika-walong tula ni J.D. Lim. Bilang pang-alala sa nakaraang mapait at madilim na pitong taon ng aking buhay.

Rekwerdo ng Nakaraan
(Seven Years in the Making)

ni J.D. Lim

pitong taong buhay sa kadiliman
pitong taong bulag sa katotohanan
pitong taong pagpapanday sa katauhan
tapos na ba?
isa na ba itong nakaraan?

lumipas na mga taon
nasayang na panahon
bawat pintig ng puso
bawat patak ng pawis
bawat lakas na inalay
nasayang lang ba?
nawalang kabuluhan ba?

sa 'di nauubos na pagkabigo
sa paulit-ulit na pagluha
sa 'di pagkatuto sa mga mali
lahat ba'y marapat lang kalimutan?

sa pag-uumpisa muli
sa muling paglalakbay
mababalewala na ba lahat?

hindi. hindi.

pagkat 'di nagtapos sa pitong taon ang lahat
'di magwawakas ang mga pagkabigo
'di hihinto ang oras
'di titigil ang buhay

bawat pighati, lungkot at pagkabigo
nag-iwan ng mga marka
nag-iwan ng mga sugat
ito'y dadalhin sa muling paglalakbay
babaunin sa pagsisimulang muli
at magwawakas lang ito
sa pagabot ng mailap na pangarap
sa pagkamit ng nararapat na tagumpay

para sa sarili
para sa pamilya
para sa bayan
para sa Lumikha ng lahat

at ang nakaraan
isa na lamang rekwerdo
bahagi ng aking mapait na kasaysayan


Barangay Sta. Ines, Bulakan, Bulakan
December 2, 2008 11:38 P.M.


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Read more on this article...

Your Ad Here

How can I write all of this poems everyday? You just need to open your eyes. Observe everything that you would see. Feel its presence and be inspired. Then those poetic words would never be that far from you. Hindi naman ako isang makata. Baguhan lang ako. Wala pang maipagmamalaki. At hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa Kanya, na lumikha ng lahat at sa kanya na nilikha Niya para bigyang saysay ang aking buhay. Narito ang ika-pitong tula na nabuo habang aking natanaw ang tatlong tao na naka-angkas sa iisang motor.. Muli para pa din ito sa kanya.

Angkas
(J.D. Lim)

nakiangkas ka na ba
so motor ng iba?
sa dyip?
sa traysikel?
o bisikleta?

minsan
kahit gaano kadami
kahit puno na
aangkas ka pa din
sa motor
sa dyip
sa traysikel
sa bisikleta

hangga't magkakasya
kahit singit lang
ang mahalaga
makarating sa paroroonan

pero sa lahat ng pag-angkas
pinakamalungkot ang pagbaba
ang pag-alis..
lalo't kasama mo
ang taong nais mo
ang taong gusto mo
ang taong mahal mo

gustuhin mong magtagal
hindi na maaari
kailangang bumaba
dahil may ibang aangkas
may ibang sasama sa kanya
at 'di kayo pareho ng destinasyon
'di mo hawak ang kanyang buhay
'di sa'yo ang puso niya

aasa ka nalang
sa muling pag-angkas
sabay kayo bababa
iisa ang pupuntahan
iisa ang mga pangarap
iisa ang puso't isip
at magsasama habambuhay..

Brgy. Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
Disyembre 1, 2008 | 11:45 P.M.


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Read more on this article...

Tala (J.D. Lim)

Your Ad Here

Tala
(J.D. Lim)


nakalatag sa langit
bilyong batong maningning
kumukutikutitap
tila ‘di nauubos ang liwanag
nagbibigay ganda
nagbibigay sigla
sa lagim at poot ng gabi

ngunit isang tala ang bukod tangi
isang tala lang ang nakapukaw ng damdamin

o tala ng gabi
sana’y abot tanaw lagi
at sa muling paglamon ng ng dilim
ika’y abot kamay na rin
lagi kitang hihintayin
tatanawin kahit sa kulimlim na gabi
pagka’t ikaw lang ang nais
sa bilyong nakadungaw sa langit

ikaw lang at wala nang iba.


Sa ilalim ng mga tala, Barangay Sta. Ines, Bulakan, Bulacan
11:39 PM November 29, 2008


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Read more on this article...

Impit na Dasal (J.D. Lim)

Your Ad Here

Ikalima sa mga naisulat ko na tula. Bahagi ng patuloy na aking paglalakbay. Bahagi ng aking sarili. At sana, makibahagi din kayo.. At nililinaw ko, hindi ako EMO. :)

Impit na Dasal
(J.D. Lim)

mahal mo b?
oo.
mahal ka niya?
hindi.
eh bakit?
ewan.

hanggang kailan?
maghihintay ako.
makapaghihintay ka ba?
oo.
darating ba siya?
siguro.
kailan?
ewan.

alam ba niya?
siguro.
siya na ba talaga?
oo.
ginawa mo ba?
hindi.

nawawala ka ba?
oo
saan ka pupunta?
sa kanya.
handa ka ba?
ewan.

mahal ka niya?
hindi.
mahal mo ba?
oo.

amen.


Barangay Panginay, Balagtas, Bulacan
November 29, 2008 12:55:23 P.M.


Like this post? Subscribe in a reader

Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.



Read more on this article...

Some Rights Reserved 2008

Copyright © 2008 - Frustrated Writer - is proudly powered by Blogger
Smashing Magazine - Design Disease - Blog and Web - Dilectio Blogger Template